Eskudo de armas

Ang opisyal na selyo ng Kongregasyon ay idinisenyo na may mga elementong naka-frame sa isang elliptical field: isang krus na may tatlong maliliit na burol bilang base nito. Sa magkabilang gilid ng krus ay ang sibat at ang espongha na nakatanim sa base ng krus, bahagyang nakahilig na bumubuo ng isang angular na posisyon mula sa base. SA itaas na bahagi ng krus ay isang bituin na may pababang mga sinag at may titik "M" sa gitna na tumutugma sa pangalan ni Maria. Sa loob na bahagi ng upper border line ng ellipse ay ang motto, "MARIA SUCURRE MISERIS" na ang ibig sabihin ay "Maria help the helpless!" at sa ibabang bahagi ay ang pamagat na 'MISSIONARIAE DE PERPETUO SUCCURSU" na ang ibig sabihin ay "Missionaries of Perpetual Help".